Category Archives: Personnel

Human Resource Management

Flag Raising Ceremony

 

Lupang Hinirang

Bayang Magiliw,
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa Dibdib mo’y buhay.

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig
Di ka pasisiil

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning;
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

 

Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos
Makatao
Makakalikasan at
Makabansa.

 

PANUNUMPA NG LINGKOD BAYAN

AKO’Y ISANG LINGKOD-BAYAN
KATUNGKULAN KO ANG MAGLINGKOD
NANG BUONG KATAPATAN AT KAHUSAYAN
AT MAKATULONG SA KATATAGAN AT KAUNLARAN NG AKING BAYAN.

MAGIGING BAHAGI AKO
NG KAAYUSAN AT KAPAYAPAAN SA PAMAHALAAN
AT MAGIGING HALIMBAWA AKO
NG ISANG MAMAMAYANG MASUNURIN
AT NAGPAPATUPAD NG MGA UMIIRAL NA BATAS AT ALITUNTUNIN
NANG PANTAY-PANTAY AT WALANG KINIKILINGAN

MAGSISIKAP AKONG PATULOY NA MARAGDAGAN
ANG AKING KABATIRAN AT KAALAMAN
ANG BAWAT SANDALI AY ITUTURING KONG GINTONG BUTIL
NA GAGAWIN KONG KAPAKI-PAKINABANG.

LAGI KONG ISASAALANG-ALANG ANG INTERES NG NAKARARAMI
BAGO ANG PANSARILI KONG KAPAKANAN
ISUSULONG KO ANG MGA PROGRAMANG MAG-AANGAT
SA ANTAS NG KABUHAYAN NG MGA MAHIHIRAP
AT AKTIBO AKONG MAKIKIBAHAGI
PARA SA MGA DAKILANG LAYUNIN SA LIPUNAN.

HINDI AKO MAGIGING BAHAGI
AT ISISIWALAT KO ANG ANUMANG KATIWALIAN
NA MAKAKAABOT SA AKING KAALAMAN
SA LAHAT NG PANAHON
AKING PAGSISIKAPANG MAKATUGON
SA HAMON SA LINGKOD BAYAN.

ANG LAHAT NG ITO
PARA SA ATING DAKILANG LUMIKHA
AT SA ATING BAYAN
KASIHAN NAWA AKO NG PANGINOON.

 

Awit ng Serbisyo Sibil

Ang serbisyo sibil ng bayan ko
Lingkod na tunay ngayo’t kaylanman
Laging tumutulong, laging nagpapayo
At sa kawani ang siyang patnubay

Ang serbisyo sibil ay tanghalin
Ito ay ating gunitain
Maging tapat tuwina sa ating tungkulin
Paglingkuran lagi Bayang giliw..

Ang serbisyo sibil ay lingkod na tangi
Halina’t ito’y ating ipagbunyi
Mabuhay!

 

Banwa na Madayaw

O probinsya nami na mahal
Sang subangan ng Dabaw
Ban-wa kaw na madayaw,
yanaguyon yang utaw
Malipayon kay palangga kaw ng Dios.

Mataba yang kalupaan mo
Yang tanom mabungahon
Dagat mo, mga suba madaigay yang isda
Kabuhian, kawilihan ng tanan.

O mahal na Dabaw Oryental
Langit mo mapawaay
Yang kabutayan, yang kapatagan
Mayamanay, magandahay.

Maski hain pa kami kumadto
Kami mo-uli ani kanmo
Garbo nami na Dabawenyo
Yang pagserbi sang kadyawan mo.

 

ClimEx.db Training

The ClimEx.db team and enumerators recently completed the 3-day training on the Climate and Exposure Database (ClimEx.db) on August 19-21, 2015 in Microtel, Davao City. This was made possible through Project Climate twin Phoenix assisted by Climate Change Commission, UNDP, and Australian Government in partnership with Province of Davao Oriental and University of the Philippines Mindanao.

Continue reading